Abstract

Natiyak sa pag-aaral na ito na matukoy ang gamit ng dayalektong Sorsoganon sa mga karaniwang pormularyo na ginagamit ng ahensyang pansakuna. Deskriptib-analisis ang ginamit na disenyo sa paglikom ng mga datos na kailangan sa pag-aaral na ito. Ang mga kalahok ay binubuo ng kawani at kliyente ng Sorsogon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (SPDRRMO) at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng 14 na bayan at isang (1) lungsod sa Sorsogon.  Isang sarbey at pakikipanayam ang ginawa para makuha ang mga datos na kailangan sa pag-aaral. Gumamit ng frequency count at pagraranggo sa pagtataya ng mga datos.

     Natuklasan na may iba’t ibang uri ng karaniwang pormularyo ang ginagamit sa ahensyang pansakuna. Lahat ng pormularyong ginagamit ay magkakatulad sa 14 na bayan at isang lungsod sa Sorsogon. Kadalasang nakasulat sa wikang Ingles ang mga karaniwang pormularyo ng ahensyang pansakuna. Marami ang suliranin sa pag-unawa ng mga pormularyo ng ahensyang pansakuna subalit ang pinaka suliranin ay ang kakulangan ng pagsasalin ng mga pormularyo sa wikang higit nilang mauunawaan. Sa tulong ng mga kalahok sa pag-aaral ay nakabuo ang mananaliksik ng kalunan ng mga naisalin na pormularyong ginagamit ng ahensyang pansakuna. Isinalin ang mga pormularyo sa dayalektong gamit ng bawat munisipalidad sa probinsya ng Sorsogon: Bikol-Castilla, Bikol-Pilar, Bikol-Donsol, Bikol-Pilar, Bikol-Prieto Diaz, Bikol-Casiguran, Bikol-Juban, Bikol-Irosin, Bikol-Sta Magdalena, Bikol-Magallanes, Bikol-Matnog, Bikol-Gubat, Bikol-Sorsogon, Bikol-Barcelona, Bikol-Bulan, at Bikol-Bulusan.

Inirerekomenda na isulong ang pagsasalin ng mga pormularyo at IEC materials na ginagamit sa ahensyang pansakuna. Isalin ang mga ito sa wikang mauunawaan ng mas nakararami lalong lalo na ng mga lokal na mamamayan. Pagyamanin ang wikang Filipino kasabay ng pagpapayaman sa sariling dayalekto. Gamitin ito sa pakikipagkomunikasyon at pakikipagtransaksyon sa araw-araw na pakikipamuhay.Sa pagpapasagot ng mga pormularyo sa anomang ahensya, siguraduhing malinaw, nauunawaan at naipaliwanag ng maayos sa mga taong sasagot ang mga hinihinging impormasyon upang masiguro na maibibigay nila ang angkop na kasagutan para sa mga hinihinging impormasyon.  Magkaroon ng mga seminar at gawaing magbibigay edukasyon at kaalaman sa mga karaniwang mamamayan tungkol sa mga paksang may kinalaman sa DRRM. Magsagawa pa ng mga pag-aaral na may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral para sa mga susunod na mananaliksik.

Downloads

Download data is not yet available.