Abstract

Natiyak sa pag-aaral na ito na matukoy ang mga atraksiyong turismo sa bayan ng Barcelona gamit ang wikang Filipino, taong 2022. Kwalitatibo-deskriptibong pananaliksik ang disenyong ginamit sa paglikom ng datos sa pag-aaral upang matiyak ang gamit ng wikang Filipino sa pagkilala ng mga atraksiyong turismo ng Barcelona. Purposive sampling ang ginamit ng mananaliksik sa pagpili ng mga partisipants na kinabibilangan ng mga mag-aaral, mamamayan, turista, tagapangalaga at kawani ng lokal na pamahalaan. Isang gabay sa pakikipanayam ang inihanda ng mananaliksik ukol sa pag-aaral para sa pagkalap ng datos. Ang mga nalikom na datos ay sinuri at binigyang interpretasyon ng mananaliksik.

Iba-ibang atraksyong turismo ang makikita sa bayan ng Barcelona. May mahalagang gamit ang wikang Filipino sa pagpapakilala ng turismo ng Barcelona. Mga benepisyong hatid ang turismo sa dukasyon, komunidad, turista, at lokal na pamahalaan.  Inirerekomenda na kailangang bigyang pansin ng lokal na pamahalaan ang mga pagpapakilala at pagpapaunlad sa mga atraksiyong turismo ng bayan. Gamitin ang wikang Filipino sa mga flyers at bilang midyum ng pakikipagtalastasan ng mga lokal na empleyado sa pagpapakilala ng mga atraksiyong turismo. Magkaroon pa ng mga proyekto at programang maaaring isulong ang pagpapayaman ng pakikipagtalastasan ng mga lokal na mamamayan gamit ang wikang Filipino. Hikayatin ang mga guro na ipakilala sa mga mag-aaral at mga kabataan na mas bigyang pahalaga at pansin ang mga lokal na turismo bago tangkilikin ang mga dinadayong mga turismo ng iba.

Keywords: Wikang Filipino, gamit, pagpapakilala, atraksiyong turismo, bayan ng Barcelona

Downloads

Download data is not yet available.