Abstract
Natiyak sa pag-aaral na ito ng mga istoryang nakapaloob sa turismo ng Bulusan, lalawigan ng Sorsogon.Deskriptib-debelopmental na disenyo ang ginamit ng mananaliksik sa pag-aaral na ito upang malaman ang mga istorya ng mga kilala at bagong usbong na turismo sa bayan ng Bulusan. Random sampling ang ginamit ng mananaliksik sa pagpili ng kalahok. Binubuo ito na 10 kalahok mula sa pangkat ng mag-aaral, komunidad, lokal na pamahalaan ng Bulusan at mayroon ding mga turista. Ang kabuuang bilang ng kalahok ay 40. Ginamit ng mananaliksik ang tseklist sa pangangalap ng datos. Nagsagawa rin ng interbyu ang mananaliksik sa mga namamahala o may-ari ng mga turismo na mayroon sa Bulusan. Ang mga nalikom na datos ay sinuri at binigyang interpretasyon sa pamamagitan ng nararapat na estadistika tulad ng frequency count at pagraranggo.
Marami na ang kilalang turismo sa bayan ng Bulusan napapangkat ito sa mga beach resorts, lawa, pasyalang tanawin, natural spring at eco-park. Iba’t iba ang dulot ng turismo ng Bulusan Ang maidudulot ng turismong Bulusan, sa edukasyon ay magagamit bilang lunsaran sa pagtuturo ng kultura at tradisyon ng bayan ng Bulusan. Sa komunidad, makakapagbigay ng karagdagang hanapbuhay sa mga mamamayan. Sa lokal na pamahalaan tulong ito sa pagkakaroon ng gabay sa pagbuo ng mga organisasyon na magpapaunlad sa turismo. Samantalang sa turismo ito ay napgapataas ang kawilihang tuklasin ang natatagong ganda ng kapaligiran. Malaki ang ambag ng wikang Filipino sa turismo ng Bulusan lalo sa pagpapakilala magagawa nitong mapaunlad ang turismo kasabay ng wika. Inirerekomenda na kailangang paigtingin pa ang pagpapakilala at promosyon ng turismo ng Bulusan at maaaring maging daana ng social media upang ito’ maisakatuparan nang sa gayon ito ay higit pang makilala ng mas nakakarami. Maaaring magamit ng mga mag-aaral ang literaturang bunga ng pag-aaral na ito upang maging lunsaran sa pag-aaral. Sa komunidad, makakatulong ang literaturang ito upang malaman ang mga impormasyon patungkol sa turismo ng Bulusan na magiging gabay nila para makapagbigay impormasyon sa mga nagtatanong na turista.