Abstract

Natiyak sa pag – aaral na ito ang makilala ang SERBISITA bilang kulturang bayanihan sa Irosin. Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng desinyong deskriptib sarbey-analysis sa paglikom ng mga datos o impormasyon. Random sampling ang ginamit sa pagpili ng 560 na kalahok mula sa 28 na barangay ng Irosin.

Gumamit ang mananaliksik ng tseklist at nagsagawa ng interbyu sa pagkalap ng mga datos upang malaman ang mga serbisyong hatid ng SERBISITA sa bawat barangay. Ang mga nalikom na datos ay sinuri at binigyang interpretasyon sa pamamagitan ng paggamit ng frequency count at pagraranggo.

Maraming serbisyo ang ibinibigay ng SERBISITA sa bayan ng Irosin. Mayroon ng serbisyong Pangkabuhayan, Pantahanan, Pangkomunidad at Pangkalusugan. Ang mga ito ay malaking tulong lalong lalo na sa mahihirap na pamilya at sa pag-unlad ng lugar.

Ang SERBISITA ay mayroon ng ambag sa Pamumuhay, Pag-uugali at Paniniwala ng mga Irosanon. Malaki ang tulong na naibibigay ng SERBISITA sa mga Irosanon. Ang mga ito ay may impak sa Mamamayan, Pamumuhay, Kultura at Panitikan. Inirerekomenda na ang SERBISITA ay dapat na ipagpatuloy at pagyamanin pang lalo upang mas makilala pa ito. Ito ay maaaring gawan ng Municipal Resolusyon at mapaglaanan ng budget ng lokal na pamahalaan upang maipagpatuloy ito kahit na iba pa ang maupo sa pwesto sa bayan ng Irosin. Hikayatin ang mga mamamayan na suportahan pa at tangkilikin ang SERBISITA upang mas mapalawak ang ambag nito sa pamumuhay, pag-uugali at paniniwala. Maaaring hikayatin ang mga opisyal ng barangay, iba pang ahensya ng pamahalaan at mga pribadong organisayon na makiisa at makilahok sa gawaing ito upang mas maparami ang impak nito.

Keywords: SERBISITA, pagpapakilala, kulturang bayanihan, Irosin

Downloads

Download data is not yet available.